5 Taiwanese, Tiklo sa Drug Raid

TIMBOG ANG limang dayuhan matapos salakayin ng mga kinauukulan ang isang laboratoryo na gumagawa ng Shabu sa San Isidro, Parañaque City.

Kinilala ang mga naarestong dayuhan na sina Yun-Pong Hsu, 56-anyos; Yu-teng Cheng, 53, na isang chemist; Yun- Chun Huang, 43; Kun-Lin Yu, 51 at Horng- Jen Tsai, 58 na pawang mga Taiwanese national.

Sinabi ni Supt. Ismael Fajardo ng PNP Anti-illegal drug special operations force unit 3 na natiklo ang mga dayuhan matapos nilang pasukin, kasama ang Parañaque Police, ang isang kitchen-type na Shabu laboratory na nasa loob ng isang dalawang-palapag na bahay sa Santissima St., San Antonio Valley na magdadalawang taon nang inuupahan ng mga suspek.

Ito’y matapos makumpirma sa komunidad ang report mula sa isang impormante ukol sa kahina-hinalang kahon-kahong ibinabagsak sa nasabing bahay.

Samantala, bukod sa mga salarin ay narekober ng mga awtoridad ang hindi bababa sa P150 milyong halaga ng mga kemikal sa paggawa ng iligal na droga. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.