5 Swindler, Kalaboso sa Reklamo ng Nalokong Lola

DAKIP ANG limang swindler sa Quezon Province matapos ireklamo ng nabiktima nito.

Kinilala ang mga suspek na sina Canuto Banday, 33, ng Cubao, Quezon City; Benjamin Macasojot, 50, ng Caloocan City; Susan Sambo, 58 ng Canaman, Camarines Sur; Dina Hayag alyas Anabel Gonzales, 47 ng Quezon City at Marilou Rubio, 46 ng Calabanga, Camarines Sur.

Una rito, naloko ang biktimang si Lucia Alan, 72, nang kausapin siya ng mga salarinsa isang restaurant sa Quezon City hanggang sa makapagbigay siya ng halagang aabot sa P6,000.

Nagulat na lamang siya pag-uwi ng Lucban nang makita ang sasakyang ginamit ng lima dahilan upang isumbong agad ito sa mga kinauukulan.

Sa isinagawang pursuit operation ng PNP Lucban, naabutan ang mga ito sa Barangay Tinamnam sakay ng kulay gray na kotse na pinaniniwalaang ninakaw rin sa isang Andrew Herrera.

Samantala, nakum-piska sa mga ito ang isang itim na bag, mga swindling paraphernalia at ang perang natangay sa biktima.

Kasalukuyang nakakulong na ang mga salarin na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.