5 Suspek sa Pag-Gang Rape sa Dalaga; Tiklo

DAKIP ANG limang kalalakihan sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Pangasinan dahil umano sa pangga-gang rape sa isang dalaga.

Pawang mga residente sa Barangay San Alejandro ang mga salarin na todo tanggi sa paratang laban sa kanila.

Lumalabas sa reklamo ng biktima, sumama ito sa pinsan na makikipagkita sa textmate na isa sa mga suspek.

Nagkayayaan daw sila na mag-inuman kasama ang isa pang suspek subalit nagtaka na lamang ito nang madagdagan pa ang kanilang mga kainuman.

Nang malasing na umano ay doon na siya halinhinang pinagsamantalahan, ngunit hindi nito makumpirma kung ano ang talaga ang nangyari dahil sa labis na epekto ng alkohol.

Depensa naman ng mga salarin, dumadaing ang biktima na niloko ng kanyang boyfriend kaya’t nagulat na lamang sila nang bigla itong sumigaw at sinasabi na siya ay hinalay.

Mapapatunayan naman daw ng pinsan ng biktima na hindi ito nagalaw.

Samantala, hinihintay na lamang ng mga kinauukulan ang medico legal ng biktima kung ito nga ba ay nagahasa.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.