5 Suspek Sa Carnapping Sa Maynila, Tiklo

NADAKIP ANG limang suspek na umano’y sangkot sa pagtangay ng isang delivery truck at mga laman nito sa Maynila.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat  ng Manila Police District (MPD), tinangay umano ng mismong driver at pahinante ang isang delivery truck na naglalaman ng mga softdrink sa Mendiola Extension sa Paco, Maynila.

Nahuli naman sa isinagawang follow-up operations ng awtoridad ang driver na na-

kilalang si Richard Udan at ang pahinanteng si Erwin Duran.

Ikinanta rin ng dalawa kung saan nila dinala ang mga softdrink at dito natunton ang tatlo pang kasabwat na sina Delfin Iferba, Samuel Angcon at RJ Almadra.

Samantala, tinatayang umaabot sa P200,000 ang halaga ng mga natangay na softdrinks at bottled water.

Sinabi ng mga awtoridad na mahaharap sa Anti-Fencing Law ang tatlo habang Carnapping at Qualified Theft ang kahaharapin ng driver at pahinante ng truck.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.