5 Sundalo, Tinamaan ng Kidlat

LAPNOS AT sunog ang balat ng limang sundalo nang mahagip ng kidlat ang kanilang radio antenna sa loob ng kanilang himpilan sa Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat.

Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, kasalukuyang ginagamot sa Sultan Kudarat Provincial Hospital ang mga biktima na kinilalang sina Capt. Andog; Sgt. Asis; Sgt. Naranjo; Cpl. Cabatuan; at Pfc. Indap, kasapi ng  16th Field Artillery Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay 6th Infantry Division spokesman Col. Dickson Hermoso, bandang alas-10:30 kalakalawa ng umaga ay nasa loob ng kampo ang mga biktima.

Sinasabing biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ng pagkulog at pagguhit ng matalim na kidlat na tumama sa two-way radio antenna ng kampo na tumama rin sa mga biktima.

(E. CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.