5 sugatan sa sumabog sa loob ng mall

SUGATAN ANG lima katao kabilang ang dalawang paslit nang aksidenteng sumabog ang fuse sa loob ng isang mall na nagresulta ng pagkakaroon ng ‘stampede’ sa Caloocan City.

Isinugod sa Manila Central University Hospital, sanhi ng mga tama ng sugat sa katawan ang mga biktimang sina Edelisa Dagala, 41, may-asawa, plastic cutter; anak na si Christian, 3, kapwa 10th Avenue ng Brgy. 67, ng lungsod; Remedios Talisayon, 37, teacher; anak na si Jenny Joyce 7, kapwa ng No. 216 Orange Rd., Potrero, Malabon; at Minidora Paraiso 69, negosyante ng A1 Ramos Apartment, Lawa, Obando, Bulacan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2 ng hapon nang biglang sumabog ang fuse sa isang fastfood chain sa loob ng Victory Mall ground floor, Rizal Ave., Caloocan City.

Dito, nagkagulo ang mga tao sa loob hanggang sa nagsiksikan

palabas ng naturang mall na nagresulta ng pagkakasugat ng mga biktima.

At agad namang isinugod ang mga ito sa nasabing pagamutan upang lapatan ng lunas ang mga tinamong pinsala.

“Kaya naman po nataranta ang mga tao sa loob kasi may nagsisigaw na mayroon daw nagpaputok ng baril,” ayon pa sa saksi.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng ‘overloading’ at hindi nakayanan ng suplay ng kuryente na naging dahilan upang sumabog ang fuse.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.