5 Sugatan sa Nahulog na Sasakyan sa Benguet

SUGATAN ANG limang magkakaibigan matapos mahulog ang sinasakyang AUV sa bahagi ng Strawberry Farm, La Trinidad Benguet, pasado alas-2:00 kahapon ng madaling-araw.

Galing umano ang grupo sa isang graduation party at papunta na sana sa ospital para itakbo ang isang kasamahan na may iniindang pananakit ng tiyan.

Base sa salaysay ng i-lang nakakita, matulin ang takbo ng sasakyan at sinasabing nakainom ang mga sakay pati na ang drayber, ayon na rin sa mga awtoridad.

Hindi umano nakita ng drayber ang pakurbadang kalsada kaya tuluyang nahulog at bumaligtad sa taniman ng strawberry.

Kinilala ang mga sakay ng FX na sina Reginald Sakiwat, Rodelyn Sab-it, Marjorie Soriano, Ronald Bastian at Joey Lingli-ngan at nagpapagaling na ngayon sa Benguet General Hospital.

Samantala, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang grupo tungkol sa insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.