5 sinalbeyds, magkakahiwalayna natagpuan sa QC

TINATAYANG LIMANG bangkay na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City kamakailan.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa may bahagi ng NLEX sa Barangay Unang Sigaw, Balintawak. Nakitaan umano ng budol money ang bulsa ng biktima.

Dalawang bangkay naman ng babae ang nakita sa Blumentritt. Nakasilid sa balikbayan box na may sulat na ‘Budol-Budol ako’ ang dalawang babae na kapwa may marka ng sakal at may budol money umano sa mga bulsa nito.

Dalawa pang magkatabing balikbayan box ang natagpuan sa Lincoln Street, Barangay San Antonio ng barangay tanod na si Eduardo Abrenica.

Isang bangkay ng lalaki na tinatayang nasa 35 hanggang 40-anyos na may budol money rin at may marka ng sakal  sa leeg ang nakasilid sa kahon.

Samantala, isang bangkay ng babae naman ang laman ng isa pang kahon na kapwa may budol money at may marka rin ng sakal.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa nasabing kaso na hinihina-lang magkakaugnay dahil sa mga bakas ng sakal sa leeg ng mga biktima at pare-pareho umanong pu-ting L300 van na ginamit sa pagtapon ng mga bangkay base na rin sa salaysay ng mga nakasaksi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.