5 sasakyan, inararo 3 patay sa killer truck

CAVITE – PATAY ANG tatlong katao nang araruhin ng isang trailer truck ang limang sasakyan sa bayan ng Alfonso noong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi na sina Juanerio Rom at mga pahinante sa trak na alyas Nic at alyas Nonoy.

Batay sa ulat ng Highway Patrol Group, dakong alas-12:50 ng tanghali nang maganap ang aksidente sa Brgy. Katitinga 1.

Nabatid na patungong bayan ng Magallanes ang truck na may plate number ZHS 464 at minamaneho ng isang Mr. Calaranan nang mawalan ng preno at inararo ang limang sasakyan.

Kinabibilangan ito ng owner type jeep na may plakang  DPU-828 at minamaneho ni Gerardo Caringa; isang barangay patrol car na may plakang SFC-104; Nissan Sentra na may plakang PMA-663 at minamaneho ni Henry  Escoses; Kawasaki tricycle na may plate number XB-5036 at minamaneho ni Joselito Ramos; at multi-cab na may plakang GPP-996 at minamaneho ni Susan Fenol.

Si Rom ay namatay nang mabundol ng trak na tumama pa sa concrete fence at steel gates bago bumaligtad.    (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.