5 pulis sangkot sa kidnapping kada taon

LIMANG KAWANI ng Philippine National Police (PNP) ang sangkot sa Kidnap For Ransom kada taon, ito ang ibinunyag ng hepe ng PNP-Anti Kidnapping Group na si Sr. Supt. Renato Gumban.

Aniya, sa ngayon bagaman kanila nang tukoy ang pagkakilanlan ng mga PNP na natukoy na sangkot sa mga kidnapping ay hindi muna ibinunyag sa publiko hangga’t patuloy ang im-bestigasyon at paghahanap sa mga ito.

a datos ng PNP-AKG lumalabas na labing isang Kidnap For Ransom (KFR) ang naitala ng nakalipas na taon sa bahagi lamang ng Luzon, habang 15 naman ang naitala sa bahagi ng Mindanao o kagagawan ng mga bandidong grupo at mga rebelded ng pamahalaan.

Habang sa bahagi naman ng Visayas sa nakalipas na dalawang taon ay walang naitalang KFR.

Ngayon taon, nasa 4 na ang KFR na naitala sa bahagi ng Luzon, lalo na sa Metro Manila, pero matagumpay naman aniyang na-rescue ang mga biktima habang natukoy na rin ang pagkakilanlan ng mga suspek na siyang target ngayon.

(EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.