5 Pulis-Gapo, Isinangkot Sa Kidnap For Ransom At Robbery ng Pamilya ni Jake Vargas

SINAMPAHAN NG pamilya ni television actor-singer na si Jake Vargas ng mga kasong robbery at kidnap for ransom ang limang kagawad ng pulisya ng Olongapo City makaraang arestuhin sa loob ng bahay ang dalawang kapatid nito at hipag at saka hingan ng salapi para sa kanilang kalayaan.

Base sa impormasyon na isinumite ni Joseph Vargas sa Olongapo City Prosecution Office noong Setyembre 24, 2012, kinilala ang mga respondent bilang sina Eleazar Jimenez, Alexander Quinet at tatlong iba pa na kinilala lamang sa pangalang John Doe, Peter Doe at Mark Doe, na pawang nakatalaga sa Olongapo City Police Office, Camp Cabal, Olongapo City.

Si Joseph Vargas ay kapatid ni Jake Vargas o Jake Angelo Vargas sa tunay na buhay, na mainstay sa “Walang Tulugan” ni German Moreno, at kasama sa GMA TV serye na Reel Love Present: Tween Hearts.

Ayon sa rekord, noong ika-9:30 ng gabi noong Setyembre 5, 2012, masayang gumagawa ng miniature accessories sina Joseph Vargas, asawang si Jonalyn at kapatid na si Odessa sa kanilang bahay sa 206 Purok 2, New Cabalan, Olongapo City, nang biglang pasukin ang mga ito nina Jimenez, Quinet at tatlo pang iba.

Hawak ang mga baril, pinosasan ng mga pulis si Joseph at sinabing sila ay nagpa-pot session sa loob ng drug den at puwersa-hang kinuha ang mga cellular phones saka pinasakay sa isang puting kotse at dinala sa Camp Cabal kung saan ay inutusan ang tatlo na gumawa ng paraan para makakalap ng P200,000 para sa kanilang kalayaan.

Pumayag umano ang mga suspek na palayain si Odessa upang makasama ni Jake sa paghingi ng “pantubos” kay German Moreno sa Maynila.

Kinabukasan, dakong alas-7 ng umaga sa Volunteers Park sa lungsod, iniabot ni Miguel Vargas, ama ni Jake, ang P50,000 kay Quinet, samantalang ang P150,000 ay tinanggap naman ng pulis harap ng Green Hills Arcade makaraang pakawalan ng mga ito sina Joseph at Jonalyn, ngunit may pagbabanta na huwag magre-report sa mga pulis.

Gayunman, noong Setyembre 24, isinampa ang mga kasong robbery, kidnap for ransom at violation of domicile laban sa grupo ni Jimenez sa City Prosecution Office sa lungsod na ito.

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.