5 Presong Nakatakas, Naibalik na sa Kulungan ng Quezon

NAIBALIK NA sa kulungan ang lima sa pitong preso na nakatakas sa kulungan sa Brgy. Poblacion,Quezon noong nakaraang linggo.

Ang mga suspek na sina Mark Anthony Capayas at Leonen Bo na parehong may kasong robbery; Arnold John Montano, may kasong illegal possession of deadly weapon; at Arnel Grespor na may kasong pagnanakaw, ang nahuli kumakailan ng mga pulis sa isinagawang hot pursuit operations.

Si Merlito Bo naman na may kasong illegal possession of deadly weapons ay kusang sumuko sa mga awtoridad. Maalalang nakatakas ang mga ito matapos magkaroon ng physical fitness test ang mga pulis kung saan sinamantala nila ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.