5 Preso, Sugatan sa Riot

LIMANG PRESO ang iniulat na nasugatan matapos sumiklab ang isang “riot” sa loob ng bilangguan ng Juvenile Deliquency Center Tanglaw ng Pag-asa sa Capitol Compound, Malolos City, Sabado ng gabi.

Sa report na nakalap ng Pinoy Parazzi, kinilala ni Bulacan police director Senior Supt. Fernando Mendez Jr., ang suspek na pasimuno ng kaguluhan na si Jason Bartolome, 22 anyos, samantalang ang mga biktima ay kinilalang sina Edriel Mancao, 21 anyos, resident eng Sacay St., Brgy. Calbaryo, Meycauayan City; Reggie Garcia, 22, taga-Sapang Palay, San Jose del Monte City; Jason Cabrera, 19, at Oliver Nacion, pawang resident eng Bgy. Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan.

Sinabi ni Chief Insp. Ysmael Yu, company commander ng Provincial Public Safety Company, bandang 8:15 ng gabi nang humingi ng tulong si prison guard Eladio Politico sa kanyang mga tauhan para awatin ang mga nagkaka-gulong mga preso sa loob ng Rehabilitation Building.

Base sa inisyal na im-bestigasyon, habang nagpapahinga ang mga preso matapos ang hapunan, naburyong umano ang suspek na si Bartolome  at biglang sinaksak ang cell chairman na si Garcia gamit ang improvised ice pick.

Nabatid na akmang tutulungan ng tatlo ang biktima, walang habas na nanaksak ng suspek kaya naglabo-labo na ang mga ito.

Natigil lang ang nabanggit na riot nang dumating ang responde ng PPSC kung saan nagtamo ng mga saksak ang suspek at ang apat na biktima.

Mabilis namang dinala ang mga ito sa Bulacan Medical Center para lapatan ng lunas.

Samantala inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng pana-naksak ng suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.