5 Preso, Nakapuga sa Navotas City Jail

NAKAPUGA ANG limang preso mula sa Navotas City Jail kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nakapuga na sina Mark Anthony Austria; illegal possession of firearms naman ang kaso nina Lito Labongray at Jaryl Salvador; Narciso Disipulo na may kasong drug pushing; at Alejandro Alex na may kasong robbery.

Sa naantalang ulat, dakong alas-4 ng madaling-araw nang makapuga ang lima mula sa selda 3 sa Navotas City Jail sa M. Naval St., Sipac ng lungsod.

Inaalam na kung papaano nakapuga ang lima at kung may pagkukulang ang mga nagbabantay.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.