5 Patay sa Vehicular Accident sa Iloilo

PATAY ANG limang katao nang sumalpok ang kanilang sinasakyang tricycle sa isang puno sa San Enrique, Iloio, kahapon ng hatinggabi.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang aksidente sa Brgy. Asisig, San Enrique, Iloilo.

Ayon kay SPO1 Nerio Gecoli ng San Enrique Municipal Police Station, lulan ang mga biktima ng motor na may plakang Honda TMX 155 nang bumangga ito sa puno ng kahoy.

Pauwi na anya ang mga biktima sa Brgy. Madarag sa nabanggit na bayan nang mangyari ang aksidente.

Dead on arrival sa Don Valerio Palmares Sr. Memorial Hospital sa Passi City ang mga biktima na kinabibilangan ng driver na si Aron Casamayor, 25-anyos ng Brgy. Madarag at ang kanyang apat na mga sakay ng motorsiklo na sina Arvie Maritana, 19; Jenelle Sucaldito, 17; Michael Angelo Satonino, 17; pawang mga taga Brgy. Madarag din; at Warren Palmes, 14; ng Brgy. Hagimitan, Passi City.

Isa lang sa anim na sakay ang nakaligtas ngunit sugatan at nanatili ngayon sa ospital na nakilalang si Rogelio Albasete, 19; ng Brgy. Madarag, Passi City.

Ayon kay Gecoli, maaaring mabilis ang takbo ng motorsiklo ng mga biktima kaya’t nabangga sa puno lalo na’t anim ang sakay sa motorsiklo.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.