5 Patay sa Tumaob na Bus

LIMA ANG kumpirmadong nasawi matapos tumaob ang isang pampasaherong bus sa Sitio Tadtad, Barangay Kaputian, Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.

Base sa insiyal na report, bandang alas-10:30 ng umaga kahapon nang mawalan umano ng preno ang bus, habang binabagtas ang Kaputian Road.

‘Di pa matiyak kung ilan ang bilang ng iba pang mga nasugatan, na agad ding isinugod sa mga ospital.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng mga namatay at patuloy ang ginagawang pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.