5 Patay sa Banggaan sa ComVal

PATAY ANG limang katao matapos sumalpok ang isang van sa nasiraang sasakyan sa daan sa Compostela Valley Province kahapon ng madaling-araw.

Batay sa report ng mga awtoridad, harurot pa sa pagtakbo ang Hi-Ace Van na mula pa sa lungsod ng Butuan at papuntang Davao lulan ang 17 sakay nito.

Pagdating sa bayan ng Montevista sa nasabing lalawigan, sinasabing hindi namalayan ng driver ang nasiraang sasakyan sa daan na gumamit lamang ng reserbang gulong bilang early warning device.

Hindi na nagawang makapagpreno ang driver ng van lalo’t walang skid mark sa daan, na nanga-ngahulugang high speed pa ang sasakyan nang mabangga ito.

Maliban sa limang dead on the spot, marami ang sugatan at karamihan dito ay nasa malubhang kalagayan na mabilis namang naisugod sa Davao Regional Hospital sa lungsod ng Tagum.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.