5 Patay sa Alburoto ng Mayon

LIMA NA ang kumpirmadong nasawi matapos mag-alburuto ang bulkang Mayon.

Ang mga ito ay mula sa grupo ng mountaineers na umakyat kahapon sa bulkan partikular sa Barangay Bonga, Bacacay, Camp 2.

Ayon sa isa sa mga mountaineer, umiiyak na kinumpirma nito na tatlo sa kanyang mga kasamahan kabilang na ang German at Australian national, ang agad na binawian ng buhay matapos madaganan ng mga malalaking bato mula sa bulkan.

Maliban dito isa pa ang naiwan na kritikal at naghihintay ng saklolo mula sa mga rescuers maliban pa sa mga nakaligtas na pawang sugatan din at may mga bali na sa katawan.

Samantala, nagpapatuloy ang ginagawang assessment ng Phivolcs at lokal na pamahalaan ng Albay para sa mga susunod na hakbang kaugnay sa pagpapakita ng abnormalidad ng bulkan.

Libu-libo namang mga residente na sa paligid ng Mayon volcano ang nagsilikas.

Ang naturang evacuees ay mula sa mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Albay.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang paglikas sa mga residente lalo sa mga barangay na nasa 6-kilometer danger zone na binalot ng makapal na abo kasunod ng phreatic explosion ng Mayon volcano.

Inaasahan din na ma-dagdagan pa ang mga nagsilikas sakaling muling magpakita ng abnormalidad ang bulkan at sa susunod na ipalalabas na kautusan mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ikinabigla naman ng mga residente ang pagbuga ng abo ng bulkan ngayong umaga dahil walang anumang senyales na ipinakita ang Mayon nitong mga nakalipas na araw maging ang paggalaw sa alert level status ng bulkan.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.