5 Pang Senatoriable ng UNA, Sikreto Muna

 

NAGKASUNDO ANG mga opis-yal ng United Nationalist Al-liance (UNA) na huwag munang pangalanan ang nalalabing limang bahagi ng senatorial slate nito para sa darating na 2013 midterm elections.

Ayon kay UNA Secretary General Navotas Rep. Toby Tiangco, ginawa nila ang desis-

yon dahil hindi pa nakapag-dedesisyon kung UNA lang ang dadalhin nitong koalisyon sa eleksyon.

Tumanggi ang UNA na pa-ngalanan ang mga pinagpipilian ngunit malakas ang bulung-bulungan na kabilang sa listahan na pupuno sa magic 12 sina Sen. Loren Legarda, Sen. Francis “Chiz” Escudero, mga dating senador na sina Richard Gordon at Ernesto Maceda, anak ni Vice President Jejomar Binay na si Nancy Binay, at Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

Maaalala na una nang inanunsyong bahagi ng senatorial slate ng UNA sina Rep. JV Ejercito, Jack Enrile, Cebu Gov. Gwendolyn Garcia, Zambales Rep. Mitos Magsaysay, Joey De Venecia, Sen. Gringo Honasan at dating Senador Juan Miguel Zubiri. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.