5 Negosyante at 2 Brokers, Kinasuhan sa DoJ

 

KINASUHAN NA ng smuggling sa Department of Justice (DoJ) ang limang negosyante at dalawang brokers, matapos ireklamo ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa illegal importation ng sibuyas at Peking Ducks na nagkakahalaga ng P18 milyon.

Nakilala ang mga kinasuhan na sina Randy Salguero Garbosa, may-ari ng RSG Marketing; import manager Adonis Andilab at broker Jucylita Garcia; Jaime Martinez, may-ari ng reachable Enterprises at broker Janet Jackielou Cariga; Estelito Mallari at Gary Madugnon, consignee at shipper ng kargamento mula sa Cagayan de Oro City.

Nasabat ang mga sibuyas na walang import permit at Peking Ducks sa Port of Manila at Manila International Container Port mula buwan ng Mayo hanggang Hulyo.

Samantala, partikular na kinakaharap ng mga respondent ang paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines, department orders ng Department of Agriculture (DA) at Article 172 ng Revised Penal Code.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.