5 Nalitson sa Sunog sa Las Piñas

LIMANG KATAO ang nasawi samantalang tinataya namang aabot sa P1 milyong pisong mga ari-arian ang naabo matapos lamunin ng apoy ang isang residential house kamakailan sa Las Piñas City.

Base sa sketchy report ng Las Piñas City Fire Department, kinilala ang mga biktima na sina Erlinda Bautista, na natagpuan malapit sa comfort room na pag-aari nitong bahay sa J. Villanueva Compound, 3rd Street, Brgy. Alamanza Uno, ng nasabing lungsod; Rodel Cunanan;  Alvin Lulen; Rogelio Gunamet at isang hindi pa nakikilala. Ang mga ito ay pawang residente ng naturang lugar.

Sinabi ni FO2 Karl Jeffrey Campanan, ng Las Piñas City Bureau of Fire na dakong ala-1:50 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa pinauupahang silid ni Bautista hanggang sa kumalat at kasama sa nasunog  ang apat pang biktima.

Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing insidente.

Idineklarang kontrolado na ang sitwasyon dakong alas-3 ng madaling-araw matapos maapula ang napakalakas na apoy ng nagrespondeng mga bumbero.

Samantala, patuloy ang pagsisiyasat  ng mga kinauukulan kung ano ang naging sanhi ng nabanggit na sunog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.