5 miyembro ng pamilya, nalason sa burong galunggong

LIMANG MIYEMBRO NG pamilya ang isinugod sa ospital makaraang malason umano ng burong galunggong kamakalawa ng gabi sa  General Santos City.

Kinilala ang mga dinala sa General Santos District Hospital na sina Joshua Awitin, 34, misis nito na si Nimpha, 34, mga anak na sina Jeffrey, 16, Lemjoy, at Flordeles, 13 anyos, pawang residente sa lugar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ginawang ulam ng pamilya Awitin ang nasabing uri ng luto ng isda.

Nabatid na galing ang burong galunggong sa kanilang kapitbahay at niluto para sa hapunan.

Makaraan ang ilang sandali ay nakaramdam ng sakit ng ulo, tiyan at walang tigil na pagdumi ang mga biktima dahilan para manghina ang mga ito at isugod sa ospital.

Dinala rin sa ospital ang natirang ulam upang malaman kung ito ang sanhi ng pagkakasakit ng mga biktima.            (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.