5 Miyembro ng Laslas-Tenga Gang,Timbog

TIMBOG ANG lima katao kabilang ang dalawang menor-de-edad na umano’y kasapi ng Laslas-Tenga Gang matapos ang isang  surveillance na ginawa ng mga tauhan ng Manila City Hall-Manila Action and  Special Assignment (MASA).

Kasalukuyang nakakulong sina Larry Santiago, 30;  Ruth Mendoza, 21; Virgilio Bernardono, 52; at dalawa pang kabataan na nakapiit naman sa City Social Welfare Development.

Sinabi ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng MASA na matagal na silang nakatatanggap ng reklamo kaugnay ng umano’y nangyaring paglalaslas ng hikaw ng mga salarin sa mga pasahero ng jeep sa kahabaan ng Recto Ave.

Bunsod nito, agad silang nagsagawa ng surveillance sa kahabaan ng Recto at Avenida kasabay ng pagdakip sa mga salarin kung saan nakita sa surveillance camera ang pambibiktima ng dalawang menor-de-edad sa mga pasahero hanggang sa pag-abot ng mga ito ng kanilang pinitas kay Santiago o mas kilalang  ‘Blonde’.

Samantala, sasampahan ng kasong robbery snatching sina Santiago at Mendoza habang anti-fencing naman si Bernardono.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.