5 MIYEMBRO NG DRUG SYNDICATE SA CAVITE, ARESTADO

LIMANG MIYEMBRO NG kilabot na grupo ng mga tulak ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang anti-drug operation sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat ni PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) Director Wilkins M. Villanueva kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez Jr., ginawa ang operasyon sa RFC Mall, Barangay Molino II.

Tinukoy ni Villanueva ang mga naaresto na sina Majeid Macadatar Capiyalo, ng 49 Doña Manuela Avenue, D. Manuela Subdivision, Las Piñas City; Ameroding Angantap Mohaimen, ng 384 Globo de Oro St., Quiapo, Manila; Salma Mama Mohaimen, ng Molino II, Bacoor, Cavite; Ibrahim Bantog Taurac Banayo at Noraliah Bantog Ibrahim, kapwa residente ng 263 Kaunlaran Subdivision, Barangay Molino, Bacoor, Cavite.

Narekober sa mga suspek ang edibensiya tulad ng isang nakataling malaking plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit na 50 gramo at dalawang pirasong tig-lilimang daang piso marked money na ginamit sa buy-bust.

Ang mga naaresto ay miyembro ng kilala at kilabot na Jamil-Odin Drug Group na nag-o-operate sa Metro Manila at kalapit na Region IV-A, at ang naarestong si Majeid ang itinuturing na isa sa mga lider ng grupo.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.