5 minero, Sugatan sa Blasting Cap

SUGATAN ANG limang minero matapos aksidenteng masabugan ng dinampot na blasting cap sa Sitio Bailan, Barangay Capsay, Aroroy, Masbate.

Sinabi ni Masbate Provincial Police Director Senior Superintendent Heriberto Olitoquit na naganap ang insidente sa panning area ng minahan kung saan dinampot ng isa sa mga biktima ang improvised blasting cap o tinatawag na piston na kalauna’y biglang sumabog.

Agad namang isinugod sa Aroroy Hospital ang mga biktimang nagtamo ng minor injuries na kinilalang sina Joffrey Sertinel, Jun Catariño, Adrian Tenel, Roan Sibu at Joel Sebillo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.