5 Menor, Dakip sa Pagnanakaw

PINASOK AT ninakawan ng limang menor de edad ang stockroom sa Arenas Resuelo Complex sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Base sa impormasyon, natuklasan ni Cesario Daliklik, 55, residente ng Bugallon Street na sinira ang pintuan ng nasabing stockroom kung saan tinangay ng mga suspek ang isang amplifier, DVD player, tape player at equalizer.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang San Carlos City PNP para sa agarang ikadarakip ng mga salarin.

Mariin namang itina-nggi ng 15-anyos na itinuturong leader ng grupo ang paratang laban sa kanya.

Samantala, nakatakdang i-turn over ang mga nahuling salarin sa kustodiya ng DSWD.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.