5 Magkakapitbahay, Kritikal sa Taga

LIMA ANG kritikal matapos pagtatagain ng lalaking sinasabing may problema sa pag-iisip sa Barangay Sto. Domingo, Quirino, Isabela.

Kinilala ni Senior Insp. Ricardo Salada ng Quirino Police ang mga biktima na sina Tito Terenal, asawa nitong si Maricel at hipag na si Jenica Bacungan.

Nasa kritikal ding kondisyon ang mag-ina nilang kapit-bahay na nakilalang sina Erlina Recson at Arlene Valdez.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, tila sinapian umano ng demonyo ang slarin na si Francis Terenal nang pumasok ito sa bahay ng kanyang kapatid at pinagtataga ang mag-asawa.

Sinunod naman nitong tinaga ang mag-inang kapit-bahay ng kaniyang kapatid saka tumakas.

Samantala, sinabi ni Salada na dati nang ganito ang ugali ng salarin  tuwing sinusumpong ng diperensya sa pag-iisip.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.