5 Mag-iina at Kasambahay, Nalitson

LIMA NA ang nasawi sa pa-milya Barasi matapos masunog ang kanilang tahanan pasado alas-3 ng madaling-araw kahapon sa Gensanville Subdivision, Barangay Bula sa General Santos City.

Kinilala ang mga biktima na sina Leonor Barace, at tatlo nitong mga anak na sina Aldrin Adrian, 16; Minjyl, 11, at Andrew, 8, habang kasamang namatay rin sa pakasunog ang kanilang kasambahay na si alyas Judith.

Sinabi ni SF03 Romeo Pantoja ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sarado ang naturang bahay kaya’t hindi kaagad makapasok ang mga nagresponde dahil nakakandado rin ang steel gate at wala nang iba pang madaanan papasok sa bahay.

Una rito, may narinig na pumutok sa loob at bigla na lamang nagliyab ang apoy.

Naapula ang sunog pasado na alas-5 ng umaga.

Nabatid na kakaalis lamang ng mister ni Leonora papuntang Dubai na isang engineer.

Samantala, inaalam pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

Sa ngayon, ang mga labi ng mga biktima ay dinala na sa isang punerarya sa nasabing lungsod. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.