5 Kulong sa Pot Session

KULONG ANG limang binata sa Camarines Sur kabilang ang isang menor de edad makaraang maaktuhan ng mga awtoridad sa paggamit ng iligal na droga.

Kinilala ang mga ito na sina Christoper Ferer, Noriel Rebutiko, Mark Anthony Abonita, Romerick Bergano at ‘Lasandro’, 17.

Base sa pagsisiyasat, dakong alas-7:30 kagabi nang mahuli ang mga ito sa isang abandonadong bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pamplona.

Nakuha sa kanilang pag-iingat ang mga gamit ng aluminum foil at isa pang transparent sachet ng Marijuana.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.