5 Koreano; 1 Pinoy, Timbog sa Carnapping

DAKIP SA carnapping ang 5 Koreano at isang Pinoy sa Mandaue City, Cebu.

Inaresto ng mga tauhan ng Regional Security Operation Group 7 (RSOG-7) sina Kim Jae Young alyas Andy, Hon Seo Yong at ang pinoy na si Rafael Montanilla Martes ng gabi.

Kamakalawa ng gabi naman nahuli ng Mandaue City Police si Kim Tyung Yan na sinasabing umupa ng warehouse kung saan narekober ng mga pulis ang ilan sa mga na-carnap na Starex van.

Kasama ring nahuli ang 2 pang Koreano na sina Wonseok Lee at Jang Hyun Lee.

Pinaghihinalaang kasapi ang mga ito ng isang carnapping group na nag-o-operate sa Cebu.

Samantala, naka-rekober ang mga awtoridad ng 10 Starex van sa magkakaibang lugar sa Mandaue City.

Ilang nakarnapan na ang pumunta sa tanggapan ng pulisya sa Mandaue kabilang ang isang mag-asawang Korean para i-claim ang ilang narekober na van.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.