5 katao, Timbog sa Pot Session

INARESTO NG mga operatiba ng Bocaue Police ang limang katao, matapos mahulihan ng baril at Shabu, bukod pa ang lantarang pagsusugal sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan.

Sa report na tinanggap ni PNP Provincial Director P/S Supt. Fernando H. Mendez, Jr., kinilala ang mga dinakip na suspek na sina Connie Reyes, 33; Helen Villamater, 30; Jose Andres Mendoza, 37; at ang magkapatid na Dante, 33, at Jerry Nicolas, 44, mga residente ng Brgy. Caingin at ng Wawa, Balagtas.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 8 ng gabi nang maaktuhan ang mga suspek sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang caliber .45, na walang lisensya, baraha at  hindi pa mabatid na dami ng gramo ng Shabu. Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 at RA 8294, kabilang na ang PD 1602.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.