5 Katao, Sugatan sa Bumaligtad na Kotse

SUGATAN ANG limang katao matapos bumaliktad ang isang kotse sa kahabaan ng Gov. Juaquin Ortega Ave., Barangay Parian, San Fernando City, La Union dakong alas-4:45 kahapon ng madaling-araw.                                                                                     Nakilala ang mga biktimang sina Mandy Diaz, 27, driver ng kotse; Ivy Pacheo, 38, kapwa residente ng Barangay Poro, sa nasabing lungsod; Ronald Ramirez, residente ng Las-ud, Sta. Cruz,Ilocos Sur; Jimmy Parya, 22, residente ng Barangay Lingsat; at Danilo Perez, 25, residente ng Brgy. Paringao, San Fernando.

Bagama’t minor injuries lamang ang tinamo ng mga biktima ay dinala pa rin ang mga ito sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa naturang lungsod.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng mga kinauukulan, bumaliktad ang nasabing kotse na may plate number TFA 733 matapos mahagip ang sinasakyang motorsiklo ng reporter/anchorman na si Dan Ray Gapuz.                                                                          Papasok na sana sa trabaho si Gapuz nang maganap ang insidente.

Samantala, masuwerte namang hindi nasugatan ang motorista bagama’t patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.