5 KATAO, PATAY SA AMBUSH!

PATAY ANG LIMANG negosyante habang isa ang sugatan nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang lalaki ang kanilang sasakyan sa bayan ng Mohammad Ajul sa Basilan, kamakalawa.

Kinilala ang mga ito na sina Samuel Gumanam, Nestor Bagares, Larry Bagares, William Tecson at isang alyas Ajanulla. Sugatan naman si Alexander Balaba at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan sa Lamitan City.
Ayon kay ARMM Police Director, Chief Supt. Bienvenido Latag, lulan ng ISUZU Elf truck ang mga biktima at nagtitinda ng kama nang harangin at pagbabarilin ng mga salarin.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo sa krimen matapos matuklasan na hindi kinuha ng mga salarin ang pera at iba pang gamit ng mga biktima.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.