5 katao, namatay sa gutom at sakit sa evac center

LIMANG KATAO NA tumutuloy sa evacuation center bunsod ng flashfloods ang nasawi dahil sa gutom at pagkakasakit sa Cotabato City.

Kinilala ang mga biktima na sina Melissa Lucero, Kedtog Ibrahim, Dong Pasandalan, Usop Saban at isang sanggol na namatay dahil sa diarrhea.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dalawa sa mga namatay ay inatake sa atake sa puso habang naghihintay ng rasyon ng pagkain  mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid din na agad dinapuan ng sakit ang iba bunsod ng maruming paligid at tubig.

Magugunitang 33 sa 37 mga lugar sa nasabing lungsod ang nalubog sa tubig-baha noong nakalipas na buwan matapos umapaw ang tubig sa Rio Grande de Mindanao  dahil sa hyacinth na nagdulot din ng baha sa mga karatig lalawigan ng North Cotabato at Maguindanao. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.