5 Katao na Nalason sa Pangasinan, Malayo na sa Peligro

MALAYO NA sa peligro at nasa maayos na umanong kundisyon ang 15 kataong nabiktima ng food poisoning sa lungsod ng San Carlos, Pangasinan.

Ito ang pagtitiyak ni Dr. Saturnino Posadas, Jr., ang attending physician ng mga biktima, kung saan nakauwi na raw ang mga ito sa kani-kanilang bahay sa Brgy. Bani, San Carlos.

Matatandaang dalawang pamilya na magkakamag-anak ang isinugod sa Virgen Milagrosa University Foundation (VMUF) kamakailan makaraang makaranas ng pagtatae at pagsusuka matapos kumain ng malutantong o binurong maliliit na isda.

Posibleng marumi ang paghanda sa nasabing pagkain dahilan upang magkaroon ito ng bakterya na kung tawagin ay stapillocucos, ani Posadas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.