5 Katao, Huli sa Shabu Session

MEYCAUAYAN CITY – KALABOSO ang limang katao kabilang dito ang dalawang babae, matapos mahuli sa aktong humihitit ng ipinagbabawal na droga sa isang bahay sa 491 Acacia St., Brgy. Bangcal kamakalawa ng gabi.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Eric Noble kay PNP Provincial Director P/SSupt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Vic Buan Y Reyes, 41; Jeffrey Navarro Y Santos,31; Anthony De Vega Y Ar-Ar, 21; Nova Roskie Anciro, 31; at Jovelyn Torres Y Morelos, 20, kapwa residente sa nabanggit na barangay.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas- 8 ng gabi nang mahuli sa akto ang mga suspek sa tahanan ng isang alyas Vic.

Nabatid na matagal nang minamanmanan ng mga tauhan ng PDEA ang kilos ni Vic na umano’y kilalang user ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang hindi pa mabatid na gramo ng Shabu at Shabu paraphernalia. (TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.