5 Katao, Arestado sa Pagbebenta ng Piranha

LIMANG KATAO ang ina-resto ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Food and Aquatic Resources (BFAR) at mga elemento ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Caloocan City Police dahil umano sa illegal na nagbebenta ng mga isdang Piranha sa nabanggit na lungsod, iniulat pulisya kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos ang mga naarestong suspek na sina Gary Reynold Alcantara, 28, binata, negosyante, ng No. 3 Ritonic St., Esla Urbon, Sto. Domingo, Cainta, Rizal; James Jomel Gabriel, 33, may asawa ng No. 234 Delia St., Marick Subdivision, Cainta, Rizal; Karl Frederick Felizardo, 25, may asawa, ng Lot 6, Block 16, Sampaguita St., Gregorio Heights, Taytay, Rizal; Rodrigo Luciano, 27, binata, ng Block 25, Lot 41, Palmera 6, Taytay, Rizal; at Joan Tobias, 28, ng No. 139 Rizal Avenue, Taytay, Rizal.

Ayon kay Santos, nagtungo sa kanyang tanggapan ang mga tauhan ng BFAR, kaugnay sa umano’y pagbebenta ng mga suspek ng mga cannibal fish na Piranha, na nagmula pa sa northern part ng Amazon River sa South America.

Nabatid na bandang alas-11 ng gabi, pinunta-han nina PO3 Gilbert Gammad, PO3 Eduardo Ronquillo, PO2 Cezar Garcia at PO2 Raymond Hernandez ng SIDMB, ang kahabaan ng Caimito St., Barangay 79, Caloocan City, kasama ang mga tauhan ng BFAR.

Isang pulis ang nagkunwaring buyer na bibili ng fingerlings ng piranha sa mga suspek at habang nagpapalitan ng kalakal at pera ang magkabilang panig, kaagad silang dinakip.

Umaabot sa 60 piraso ng buhay na Pinarha fingerlings ang nakuha ng mga pulis sa mga suspek.

Ayon naman kay Alcantara, sa isang nagngangalang “Pol” na taga-Caimito, Caloocan City sila kumukuha ng mga Piranha sa halagang P450 bawa’t isa at ibinebenta naman nila ng P600.00.

Violation of RA 8550 (The Philippine Fisheries Code 0f 1998) in relation to Fisheries Administrative Order No. 126 Series of 1979 re: Illegal Trade, importation of prohibited fishery species known as Piranha, ang isinampang kaso sa mga suspek. (ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.