5 Kabataan, Nakatakas sa Kulungan ng DSWD

NAGAWANG MAKATAKAS ang limang kabataan mula sa Bahay Kalinga kung saan dinadala ang mga may kasong mga kabataan sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.

Isa si Erwin Guevarra, 19, ng San Andres St., Malanday ng lungsod na may kasong Theft ang nakasama sa mga tumakas.

Nasa edad 14 hanggang 17 ang iba pang kabataan na nakatakas na may mga kasong Robbery at Attempted Murder.

Sa ulat, alas-8:10 ng gabi, nang makarinig ng kalabugan sa roof top ng Bahay Kalinga sa Jacinto St., Canumay West ng lungsod na naging dahilan upang akyatin ng mga bantay.

Tatlong kabataan ang napigilan habang nakatakas ang lima kung saan dumaan sa steel door sa roof top dahil sira ang kandado mula pa noong Enero 1, 2013.

Agad na ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari kung saan hinahanap na ang mga tumakas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.