5 Holdaper, Timbog

KALABOSO ANG limang holdaper na sinasabing nambiktima sa empleyado ng isang mall sa Zamboanga City.

Kinilala ang biktima ng panghoholdap na si Reycard Fernando, 21-anyos, empleyado ng Mindoro City Mall at residente sa nasabing lungsod.

Papasok na sa kanyang trabaho ang biktima nang nang harangin siya ng grupo ng mga armadong kalalakihan at kaagad umanong tinutukan ng baril at sapilitang kinuha ang kanyang bag kung saan nakalagay ang kanyang pera, ilang cellphone at iba pang mga mahahalagang kagamitan.

Wala na ring nagawa ang biktima at ibinigay na lamang sa mga lalaki ang kaniyang bag na agad tumakas makaraang ang tagumpay na masamang gawain.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa pulis-ya kaya naglunsad agad ng follow-up operation ang awtoridad na nagresulta sa pagkakahuli sa dalawang suspek.

Itinuro naman ng dalawang naunang nahuli ang iba pa nilang mga kasamahang holdaper kaya sa pangalawang operasyon ng mga pulis ay nahuli naman ang tatlong iba pang salarin.

Isa pa sa mga suspek ay nakilalang si Jonathan Alfaro na siya umanong may dala ng caliber .45 pistol at siyang nanutok sa biktima ang pinaghahanap pa rin hanggang ngayon ng pulisya.

Bigo naman ang biktima na marekober ang kanyang bag na tinangay ng isa sa nakatakas na holdaper.                                   (EC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.