5 Estudyante, Minartilyo ng May Sayad

PATULOY PA ring inoobser-bahan sa Dr. GB Tan Memorial Hospital sa Laoang, Northern Samar ang isa sa limang estudyante matapos magtamo ng sugat nang pagpapaluin ang mga ito ng isang pinaniniwalaang may diperensya sa pag-iisip gamit ang martilyo.

Stable naman ang kalagayan ng apat na iba pa na nasa Grade 1 at Grade 2 na mga estudyante ng Cahayagan Elementary School.

Hawak naman ngayon ng Laoang Police Station ang salarin sa naturang insidente na kinilalang si Nelson Espina alyas Boboy, 32-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Nakatakdang sampahan ito ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Child Abuse.

Sinabi ni PO1 Honeybee Bernal, OIC Women and Child Protection Desk ng naturang  himpilan nanabatid na papasok na umano ang limang kabataan nang biglang lumapit ang nasabing salarin dala-dala ang isang martilyo at agad na pinagpupukpok ang ulo ng mga biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.