5 Estudyante; 1 Tricycle Driver, Tiklo sa Pot Session

TUGUEGARAO CITY – DINAKIP ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region II ang anim na katao kabilang ang tatlong menor de edad matapos mahuling nagpa-pot session sa Brgy. Linao Norte, Tuguegarao City.

Ayon kay Lloyd Allan Leanio, deputy regional director ng PDEA Region 2, lima sa mga nahuli ay mga estudyante at isang tricycle driver.

Agad silang nagsagawa ng operasyon na nagresulta ng pagkadakip ng mga suspek, habang nasa aktong humihithit ng Marijuana sa isang madamong lugar malapit sa paradahan ng mga traysikel sa Brgy. Linao, ani Leanio.

Nakauniporme pa umano ang tatlong high school students nang matiktikan sila ng mga kinauukulan matapos magsumbong ang isang concerned citizen sa tanggapan ng PDEA.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng mga suspek ang isang pakete ng pinaghihinalaang Marijuana na hindi pa matukoy ang halaga.

Kaugnay nito, tiniyak ni Leanio na masusi ang ginagawa nilang pagsisiyasat para matukoy kung saan nanggaling ang ginagamit na marijuana.

Kinasuhan rin ang mga suspek dahil sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.