5 Durugista, Dakip; Drug Den, Kubkob

ARESTADO ANG drug pushers/users nang mu-ling naglunsad ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Northern Mindanao ng drug buy bust operation sa Brgy Barra,Opol,Misamis Oriental.

Sinabi ni PDEA Agent Ben Calibre na kabilang sa mga nahuli nilang drug pushers/users ay sina Nasser Jaman at Hajijul Guro.

Nadakip rin nila ang sina Alanudin Guro, Alfais Ali at Moktar Mama na akto ni-lang nahuhuli habang nagsagawa ng pot session.

Nakuha sa posisyon mula sa mga suspek ang hindi bumaba sa 5 gramo ng drogang shabu at drug paraphernalia.

Sa ngayon, nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 ang mga naarestong salarin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.