5 dawit sa Maguindanao massacre, ‘di makakalahok sa 2013 elections

HINDI PINAYAGAN ng Comelec na makalahok sa 2013 polls ang limang miyembro at malapit sa pamilya Ampatuan.                                                                                                                               Kabilang sa mga nabanggit ay sina Datu Anwar Ampatuan Jr., Nasser Esmael, Nicomedes Amad Tolentino, Bulatukan Omar Kayansang at Datutulon Malaguial Esmail.

Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na may inisyal na posisyon na ang poll body at hindi umano nila papayagang makapagparehistro, makaboto at kumandidato ang mga ito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang limang nasabing kandidato ay ilan lamang sa 76 na akusado sa Maguindanao massacre case, kung saan 58 ang namatay at mahigit 30 sa mga ito ay media member.

Una rito, humiling ang mga akusado ng pahintulot sa komisyon para makalahok sa dara-ting halalan sa kabila ng kanilang pagkakabilanggo.

Umalma rin ang mga ito sa anila’y panghihimasok ng Comelec sa lugar na ibig nilang takbuhan.

Ilang suhestyon kasi ang lumutang na sa Taguig na lang bumoto ang mga Ampatuan dahil doon ito nanatili ng halos dalawang taon, matapos silang mabilanggo.

Pero para sa mga akusado, hindi nila kilala ang mga kandidato ng Taguig at iginiit pa ang umano’y karapatan nila sa malaya at tapat na eleksyon.

Bukod sa nahaharap ang mga ito sa kasong kriminal, maitutu-ring din silang high risk inmates kaya hindi mapahihintulutang bumiyahe patungong ARMM at pabalik sa Metro Manila, giit pa rin ng Comelec. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.