5, dakip sa palit-puri

ARESTADO ANG limang katao kabilang ang tatlong babae matapos masangkot sa tinatawag na “palit-puri” sa Dagupan City sa Pangasinan.

Sinabi ni agent Lito Sapulia ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsagawa sila ng operasyon sa isang motel sa Bonuan Tondaligan matapos makatanggap ng impormasyon na may nagsasagawa ng “palit -puri” sa lugar o pakikipagtalik kapalit ng maliit na halaga ngunit pagagamitin muna ng iligal na droga ang makakatalik na babae.

Naabutan pa ng mga ito ang sangkot na sina Richard Cayabyab at Jonel Gatmaitan habang ang mga babaeng nadakip ay sina Susan Dela Cruz, Marites Ballesteros at Mary Ann Velasquez na iniha-handa ang gagamiting droga bago makipagtalik.

Samantala, inamin din ni Sapulia na matagal na silang nakakatanggap ng kahalintulad na modus, bagamat ngayon lamang sila nakahuli ng mga nagsasagawa nito.

Kasalukuyang nahaharap na sa kaukulang kaso ang mga naturang suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.