5-Buwang Ikinadena ng Pamilya; Lola, Na-Rescue

NAILIGTAS NG mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang 75-anyos na lola sa kamay ng kanyang sariling pamilya na limang buwan nang ikinakadena sa Pangasinan.

Inamin ng isa sa mga anak ng matanda na ikinakadena nila ang ina dahil madalas itong lumabas at kung saan-saan nagpupunta.

Wala umanong maa-aring magbantay rito dahil may trabaho ang anak na nangangalaga.

Nagbabala naman ang mga taga-DSWD na mahaharap sa kaukulang kaso ang pamilya ng matanda kapag muli itong ikinadena.

Samantala, nangako naman ang tanggapan na bibisitahin muli ng kani-lang social worker ang nasabing lola upang malaman kung sumunod ang mga ito sa utos ng ahensya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.