5 Arestado sa Buy-Bust

LIMANG KATAO, kabilang ang isang babae, ang naa-resto ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at PNP sa magkakahiwalay na bayan sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Mylene Prigo Y Masangkay, @ Bakekang,  37 anyos, kilalang drug-pusher, ng Sitio Dike, Brgy. Banga 1st, PLaridel.

Ayon kay P/Supt. Julius Ceasar Domingo, dakong alas-11 ng umaga nang ilunsad ang buy-bust operation sa lugar makaraang magpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga tauhan ng PDEA.

Kasabay nito, arestado rin ang tatlong kalalakihan na umano’y kapwa user at tulak ng ipinagbabawal na droga sa sa bayan ng Sta. Maria, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Eric Suller Y Porcincula, 31; Jemeca Magtira, 31; at Mario Tolentino, 51, kapwa residente ng Brgy. Camangyanan. Dakong alas-8 ng gabi ng mahuli ang mga suspek.

Samantala, arestado ang  isa pang tulak naman nang pinatuyong dahon ng Marijuana sa  bayan ng Norzagaray. Kinilala ang nadakip na suspek sa si Michael Aragon, 19 anyos, ng Sitio Bliss, Brgy. Poblacion. Nakumpiska mula sa kanya ang 37 teabags ng pinatuyong dahon ng MarIjuana.

Kaugnay nito, dinala na sa Bulacan Crime Laboratory ang mga ebidensiyang nakuha sa mga suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa Republic Act 9165.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.