5 araw na walang tulog Adik, Nang-Hostage ng mga Kaanak

HALOS UMABOT  ng  anim na oras bago tuluyang nasakote ng mga awtoridad ang isang lalaki na umano’y lasing sa ipi-

nagbabawal na droga sa Brgy, Pandayan, Meycauayan City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Sr. Inspector June Tabigo-on, hepe ng Intellegence Unit kay P/Supt. Sidney Villaflor, kinilala ang dinakip na suspek na si  Luisito Rubio Y Reyes 42 anyos, ng 5-C Rivera St. Brgy, Pandayan; samantalang ang mga biktima naman ay nakilalang sina Elsie Valderama, 38, live in partner; Alicia Reyes, 87 anyos, ina ng suspek; Sherlene Rubio, 19; at Carlo, 16 anyos.

Base sa iniyal na im-bestigasyon ni P/Sr. Inspector Randy Korret, dakong alas-10 ng gabi nang magsimulang magkagulo sa bahay ng suspek na umabot ng alas-3 ng madaling-araw, dahil umano sa limang araw na walang tulog ang suspek kung saan nagwala ito dahil sa halagang P3,500 ng Shabu na ginamit nito, bukod pa ang Shabu na tinunaw na inihalo sa tubig bago ininom.

Nabatid na nawala sa kati-nuan ang suspek kaya kinuha nito ang kitchen knife at ikinulong sa isang kuwarto ang mga biktima, habang pinutol nito ang hose ng LPG at inilagay sa pintuan ng kuwarto ng kanyang mga kasama sa bahay.

Dahil dito agad na kumilos ang grupo ni Tabigo-on, kasama si PO1 Jonathan Felipe, kung saan dinamba ang suspek upang mapigil ang plano umano nitong sindihan ang pinutol na regulator ng LPG.

Nakumpiska rin mula sa suspek ang isang sachet ng Shabu.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng nasobrahan sa paggamit ng droga ang suspek kaya nagawa nitong i-hostage  ang kanyang mga kasama sa bahay.

Samantala, kasong paglabag sa  Art. 267 RPC (Serios Illegal Detention) at paglabag sa Sec.11 Article-ll RA 9165 ang kakaharapin ng suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.