5-Anyos, Dinukot ng Tiyuhin

PINAGHAHANAP NG mga kinauukulan sa Quezon province ang lalaking pinaniniwalaang dumukot sa kanyang sariling pamangkin.

Ito’y matapos bigla na lamang mawala si Roberto Bañas alyas Berto, kasama ang batang si Ma. Ellaine, 5.

Sa panayam kay SPO2 Marites Salas ng PNP sa bayan ng Calauag, sinabi nitong Abril 13 pa nang umalis ang bata sa kani-lang tahanan kasama ang kanyang tiyuhin.

Umano’y ipinagbili ng mga ito ang apat na sako ng uling na lingid sa kaalaman ng magulang ng bata.

Base sa pahayag ng ilang nakasaksi, nakita nilang magkasama ang dalawa at hindi na lamang pinansin dahil sa hindi naman umiiyak ang bata.

Subalit hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik ang mga ito kaya’t minabuti na ng mga magulang ni Ellaine na magsumbong sa mga awtoridad.

Samantala, inaalam pa ng PNP Calauag ang mga lugar na maaaring pagtaguan ng salarin upang maibalik na rin sa kanyang pamilya biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.