4th-Termer Barangay Officials, ‘Di Palalampasin

HINDI PAPAYAGAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang mga opisyal ng barangay na tatakbo sa eleksyon sa Oktubre sa kabila nang nasa ikatlong termino na ang mga ito.

“Hindi natin pwedeng palampasin ang mga barangay official na naghahangad pa ng ika-fourth term. Maaaring nakalusot sila sa mga nagdaang administrasyon pero hindi na ngayon. Ito ay labag sa batas at kailangan nating magsilbing halimbawa sa ating mga nasasakupan,” ayon kay Mayor Malapitan.

Nauna nang nanawagan ang Commission on Elections ng tulong na mapigilan ang mga third-termer na barangay official na tumakbong muli sa darating na eleksyon sa Okt. 28.

“Atin nang inatasan ang Barangay Secretariat para sa agarang pagbubuo ng master list ng mga opisyal ng barangay na kasalukuyang nasa ikatlo at huling termino,” ani Malapitan.

“Agad naman natin itong ipagbibigay-alam sa Department of the Interior and Local Government at Comelec upang ma-update din nila ang kanilang listahan,” dagdag niya.

Sa ilalim ng Republic Act 8524, na inamyendahan ang Section 43 ng Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991, ang term of office ng isang opisyal ng barangay ay hanggang tatlong 5-taong termino sa parehong chairman at kagawad. Ang Caloocan City ay may 188 na barangay, 69 sa unang distrito at 119 sa second district.

(ROMAN MAGPOC). 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.