4th Impact, napi-pressure kapag Pinoy ang audience sa kanilang show

4th Impact

4th Impact

Malaki raw ang nararamdamang pressure ng grupong 4th Impact ayon sa isang miyembro nito na si Almira Cercado na nakausap namin sa Sundrops Day Spa sa 5th Floor ng SM North Edsa The Block kamakailan para sa kanilang nalalapit na homecoming concert sa December 3, 2016 sa Kia Theater.
Kuwento nga ni Almira, “May pressure po sa part na this time Filipino ‘yung audience, nasa bansa ka na magagaling ‘yung singers.
“Mas malaki ‘yung expectations ng mga tao sa amin, ‘yun ‘yung nakapi-pressure. Pero ‘yung pressure na ‘yun, ‘yun ang challenge sa amin na mas galingan pa at mas magpursige pa na maging magaling na performer.
“Thankful kami kasi maraming mga taong naniniwala sa aming kakayahan at talaga namang sumusuporta.”
Ilan nga raw sa dapat abangan sa concert ng 4th Impact ang kani-kaniya solo production number.
Ang 4th Impact ay binubuo ng magkakapatid na sina Irene, Mylene, Celina, at Almira Cercado.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.